Hinamon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na tumulong sa gobyerno sa paghahanap ng solusyon sa pagkakaantala ng delivery ng bakuna kontra COVID-19.
Ginawa ni Panelo ang pahayag matapos batikusin ni Lacson ang administrasyon bunsod ng aniya’y mabagal na procurement ng vaccines kahit may nakalaan nang pondo para rito na aabot sa P126.75-B.
Giit ni Panelo, gustuhin man ng pamahalaan ay hindi aniya maaaring apurahin ang pagbili ng bakuna dahil nagkakaroon na ng kakulangan ng suplay nito sa buong mundo.
Maliban dito, wala rin aniyang kontrol ang gobyerno sa pasya ng mga pharmaceutical companies kung kailan ide-deliver ang bakuna lalo pa’t mas inuuna ng mga ito ang mga mayayamang bansa.