Hindi tinanggap ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang public apology ng Inquirer.net.
Kaugnay ito sa naging balita ng Inquirer sa social media na inirekomenda ni Panelo na mabigyan ng clemency si dating Calauan mayor Antonio Sanchez.
Ayon kay Panelo, malinaw na mayroong malisya ang ginawa ng Inquirer.net sa kanilang news item para iugnay siya sa nabigong pagpapalabas kay Sanchez.
Sinabi ni Panelo na hindi niya tatanggapin ang sorry dahil ini update lamang nito ang balita mula sa rekomendasyon ay ginawang inendorso ang liham kasunod ng pagpalag niya dito.
Nanindigan si Panelo na kailangan niyang idepensa ang kanyang sarili sa walang basehan, iresponsable at sensational media.