Hinikayat ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang publiko na magtiwala sa kakayahan ni retiring Army Chief Rolando Bautista bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito’y matapos umalma ang ilang empleyado ng DSWD sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Bautista para pamunuan ang nasabing ahensya.
Ayon kay Panelo, isa sa bentahe ni Bautista ay ang kakakayahan nitong humarap sa lahat ng klase ng tao dahil sa marami nitong karanasan bilang isang sundalo.
Tiwala din umano ang pangulo na hindi basta-basta matutukso ng katiwalian si Bautista dahil wala aniya itong bahid ng kurapsyon, may integridad at mapagkakatiwalaan.
Una rito, inanunsyo ni Pangulong Duterte na kaniyang itatalaga si Bautista bilang kalihim ng DSWD kapag ito ay nag-retiro na sa Oktubre 15.