Pinatutunayan ng matapang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa West Philippine Sea (WPS) na hindi inaabandona ng Presidente ang obligasyon nitong ipagtanggol ang ating kasarinlan at karapatan sa nasabing teritoryo.
Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo matapos manawagan si Duterte sa mga barko ng Pilipinas na manatili sa rehiyon sa gitna ng panghihimasok ng China sa Exclusive Economic Zone O EEZ ng bansa.
Matatandaang binalaan ni Duterte ang China na hindi niya i-uutos ang pag-urong o pag-alis ng mga barko sa WPS kahit patayin pa umano siya.