Muling dipensahan ni dating Chief Presidential Legal Atty. Salvador Panelo si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang naging remarks nito hinggil sa blangkong ilang item ng General Appropriations Act.
Unang binatikos ng dating pangulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagpirma sa nasabing 2025 budget sa kabila ng mga umano’y irregularidad.
Ayon kay Atty. Panelo, ang naging mga pahayag ni Duterte ay legal na opinyon lamang batay sa naging pagbubunyag ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab na mayroong mga blangko sa GAA.
Ginawa ni Panelo ang pahayag matapos na sabihin ni Pangulong Marcos na nagsisinungaling lamang ang dating Pangulo. – Sa panulat ni Jeraline Doinog