Itinanggi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang akusasyong ginagamit bilang front ang isyu sa kakulangan ng suplay ng tubig para maisulong ang kontrobersiyal na Kaliwa dam project.
Ayon kay Panelo, kasulukuyang iniimbestigahan ang nabanggit na proyekto na nagkakahalaga ng P12.2B para matiyak na hindi ito mahahaluan ng anomalya.
Gayunman, sinabi ni Panelo na hindi pa siya makapagbibigay ng update sa isinasagawang imbestigasyon.
Magugunitang, pinagkalooban na ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ng DENR-Environmental Management Bureau ang Kaliwa dam project sa kabila ng mariing pagtutol ng mga environmental groups at komunidad ng dumagat.