Binuweltahan ni President Chief Legal Counsel Salvador Panelo ang Catholic Bishops’ Conference o the Philippines (CBCP) kaugnay sa inilabas nitong pastoral letter.
Ayon kay Panelo, ang naturang pastoral letter kung saan binabatikos ang gobyerno ay tila lumalabag sa doktrina ng “separation of church and state” na mandato ng konstitusyon.
Dagdag pa ni Panelo, kahit pa sa hindi paglabag sa naturang konsepto ang nasabing pahayag na inilabas ng CBCP, ipinakikita lamang nito na kanilang pinapaboran ang kasinungalingang hindi sang-ayon sa konstitusyon ang anti-terror law.