Nakaladkad ang pangalan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon at justice and human rights committees kaugnay sa pagpapalaya sana kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Ito’y matapos mabunyag ang ginawang ang pagla-lobby ng pamilya Sanchez para makalaya ang dating Alkalde kung saan sumulat ang mga ito kay Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, dating justice Arturo Brion at maging kay dating unang ginang Imelda Marcos.
Sa pagdinig, nabatid na si Panelo na dating abogado ni Sanchez ang nag-endorso ng mga liham sa Board of Pardons and Parole (BPP).
At meron pa pong address sakin, office of the presidential legal council with the reference to the letter of Mrs. Marie Antonelvie Sanchez signed by chief presidential legal council Salvador Panelo. With reference lang to the letter of Ms. Marie Antonelvie Sanchez regarding the application of Mr. Antonio Sanchez for executive clemency,” ani Bayang.
Gayunman, nilinaw na ito ay isa lamang referral at ang huling pasya ay nasa board pa rin na siya namang nagbasura sa apela ni Sanchez na commutation of sentence dahil hindi ito kwalipikado.
So, sumulat si Secretary Panelo sa inyo na ire-refer yung sulat. Nire-refer lang? I just want to be clear para malinaw itong investigation wala naman tayong sinisita eh,” ani Gordon.