Nagbabala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga COVID-19 response managers ng gobyerno laban sa maagang pagluluwag ng restrictions sa Metro Manila at ilang karatig-lugar kahit unti-unti nang bumaba bilang ng mga tinatamaan ng impeksiyon sa National Capital Region (NCR) Plus.
Sa kanyang online program, binigyang diin ni Panelo na kailangang mag-ingat sa pagdedesisyon lalo pa’t may nararanasan pang kakulangan sa COVID-19 vaccine supply ang Pilipinas.
Giit ni Panelo, hindi maaaring gayahin ng bansa ang ginawa ng Estados Unidos na tinanggal ang kanilang mask-wearing policy dahil nabakunahan na ang maraming mamamayan nito.
Naniniwala rin ang opisyal na supply problems at hindi mismanagement ang dahilan kaya naaantala ang pagdating ng mga bakuna sa bansa.