Hinimok ng isang opisyal ng Malacañang ang Philippine National Police (PNP) na muling ipagbawal ang riding-in tandem o magka-angkas sa motorsiklo.
Ang panawagan ay ginawa ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo matapos maglunsad ang PNP ng Tactical Motorcycle Riding Units (TMRUs) at mga secret marshals upang tugisin ang mga motorcycle-riding criminals.
Giit ni Panelo, tanging ang anti-riding-in-tandem policy lamang ang nakikita niyang paraan upang maiwasan ang mga krimen na kagagawan ng mga salarin na magka-angkas sa motorsiklo.
Samantala, tiyak naman umanong papalag dito ang publiko dahil ang pagmomotorsiklo lamang ang nakikitang solusyon ng maraming Pinoy sa matinding trapik sa iba’t ibang lugar, gayundin sa kakulangan ng transportasyon dulot ng travel restrictions.