Sa halip na batikusin ang administrasyong Duterte, mas maiging tutukan ang pagpapalakas ng kumpiyansa ng publiko sa bakuna.
Ito ang panawagan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga kritiko na aniya’y dapat tumulong din sa pagpapaliwanag sa mga Pilipino ukol sa kahalagahan ng pagbabakuna.
Ang pangunahing problema aniya sa vaccination campaign ng pamahalaan ay ang kawalan ng tiwala ng mga tao sa bakuna at hindi ang posibleng korapsiyon o sa anumang brand ng vaccine.
Matatandaang lumitaw sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong nakaraang taon na 50% ng mga respondents ay ayaw magpabakuna, 32 % ang handa, at 21% naman ang undecided.