Ipinauubaya ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasiya kung puputulin ang ugnayan sa Iceland.
Kasunod ito ng inihaing resolusyon ng Iceland na pagpapaimbestiga sa UNHRC o United Nation Human Rights Council ng mga umano’t paglabag sa karapatang pantao at pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga sa Pilipinas.
Ayon kay Panelo, bagama’t kinakatigan niya ang posisyon nina Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin at Senadora Imee Marcos na putulin na ang diplomatic ties sa Iceland, nasa pagpapasiya pa rin aniya ito ng pangulo bilang chief architect ng foreign policy.
Sinabi ni Panelo, sa kanyang palagay dapat nang putulin ang relasyon sa isang bansa kung nagpapahayag ito ng mga posisyon na makakasira sa kasarinlan at soberenya ng Pilipinas.