Pabor si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pag-decriminalize ng kasong libelo sa gitna ng kinakaharap na cyber-libel case ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa.
Ayon kay Panelo, sapat na ang civil lawsuit bilang substitute para sa libel na isang ordinaryong krimen na may maliit na parusa.
Bagaman may ilang pabor, magkakaroon pa rin anya ng ilang mamahayag na pabor sa pagpapanatili ng batas kaugnay sa libelo upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga taga-media.
Mahirap din anyang ma-convict ang sinuman sa kasong libel dahil mahirap patunayan na nagkaroon ng malisya na isa sa pangunahing requirements ng libelo.
Magugunitang naglunsad ang Presidential Task Force on Media Security ng hakbang upang makuha ang pulso ng mga mamamahayag para sa isang consolidated position kaugnay sa decriminalization ng nabanggit na krimen.