Tila kinukundisyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang isip ng publiko para tanggapin ang martial law sa paghahalintulad sa COVID-19 sa invasion.
Binigyang diin ito ni ACT Teachers Party List Representative France Castro matapos batikusin si Panelo sa anito’y absurd intepretation ng konsitusyon at ihalintulad ang invasion sa isang virus.
Sinabi ni Castro na tinatangka ng administrasyon na kumbinsihin ang publiko na ang martial law ang tanging solusyon sa anumang problemang hindi nito maresolba.
Sa ilalim ng 1987 constituion ang Pangulo ay uubrang magdeklara ng batas militar sakaling mayroong invasion o rebellion para protektahan ang publiko.