Tinotoo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang kaniyang pagkasa sa hamon ng militanteng grupo na mag-commute para maranasan ang umano’y problema sa trapiko.
Tiniyak naman ni Panelo na siya lamang mag-isang nag-commute.
Wala, walang media, walang bodyguard, nothing. Pati nga anak ko hindi alam kung saan ako pupunta, pati si Doctora Panelo tinatanong,” ani panelo.
Kasabay nito, nilinaw ni Panelo ang kaniyang punto sa pagsasabing walang nangyayaring transport crisis.
Paliwanag ng tagapagsalita, hindi siya sang-ayon sa salitang “transport crisis” dahil ang ibig sabihin nito aniya ay paralisado na ang transportasyon na hindi naman umano nangyayari ngayon.
Sa halip aniya ang tunay na krisis ay ang nararanasang paghihirap araw-araw ng mga commuter.
Ang crisis na totoo, ‘yung paghihirap ng ordinaryong motorista, ng commuter – ‘yun ang tunay na crisis, pero ‘yung sistema mismo, walang crisis do’n, kasi nakakasakay pa tayo, ‘yun ang punto ko,” ani Panelo. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas