Walang dapat ikapangamba sa kaligtasan ng karneng baboy sa bansa.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, makaraang kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) na African Swine Flu (ASF) ang kumapit sa mga alagang baboy sa Rizal at Guiginto, Bulacan.
Bagaman sinabi nito na mainam sa ngayon na iwasan muna ang pagkain ng karneng baboy kung may agam-agam ang publiko hinggil dito, kumpiyansa aniya siya na may sapat na kakayahan si DA secretary William Dar upang pangasiwaan ang naturang sitwasyon.
Panelo sa pangambang kulangin ang suplay ng karne sa bansa: As I said, the DA will take care of it.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 9, 2019
Samantala, magugunitang pinawi ni Dar ang pangamba ng publiko kaugnay nito dahil lahat aniya ng alagang baboy ay dumadaaan muna sa masusing inspeksyon bago ito katayin at ibenta sa merkado.