‘We have to respect LGBT (community).’
Ito ang naging reaksyon ng Palasyo sa nangyaring insidente na anila’y diskriminasyon at pag-aresto sa isang transwoman sa isang mall sa Cubao, Quezon City.
Panelo sa nangyaring ‘diskriminasyon’ ng isang transgender sa QC: Our position is we have to respect LGBT. Another thing, there is an ordinance, e, to respect them. So, violation ‘yung ginawa sa transgender.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 15, 2019
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mayroong ordinansa na pino-protektahan ang karapatan ng mga kabilang sa komunidad ng LGBT.
Isa aniyang paglabag ang naturang pangyayari.
Magugunitang isang transgender woman na kinilalang si Gretchen Custodio Diez ang pinagbawalang gumamit ng restroom na pambabae sa isang mall sa Cubao.