Nakarekober na sa COVID-19 si presidential aspirant at senator Panfilo Lacson.
Sinabi ni Lacson, wala na itong nararamdamang kahit anong sintomas ngunit kailangan pa rin niya tapusin ang 10 araw na quarantine.
Aniya, nagpositibo siya sa COVID-19 nuong a kwatro ng Enero matatapos ang kanyang quarantine bukas, Enero 14.
Matatandaang inanunsiyo ni Lacson na ito ay dinapuan ng virus kung saan kasabayan nitong nagpositibo sina Senator Francis Pangilinan at Sherwin Gatchalian.