Binigyang diin ni President Rodrigo Duterte na hindi niya ito-tolerate ang anumang magiging pag-abuso ng mga nasa law enforcement agencies.
Ito ay nang pangunahan niya ang pormal na pag-upo ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, bilang hepe ng PNP.
Pinaalalahanan din ni Pangulong Duterte ang opisyal na iwasan ang pakikihalobilo at pagpapa-picture sa mga masasamang tao, dahil ginagamit ito ng mga sindikato para sa kanilang tiwaling gawain.
Bahagi ng pahayag ni President Rodrigo Duterte
Samantala, hindi makikialam si President Rodrigo Duterte sa pagpili ng mga tauhan na itatalaga ni Pnp Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.
Ayon sa Pangulo, hahayaan niyang pumili ang kanyang mga opisyal ng mga tao na tutulong sa kanilang adhikain, subalit kailangan silang managot sa anumang kahihinatnan nito.
Bahagi ng pahayag ni President Rodrigo Duterte
Tiniyak din ng Pangulo ang suporta sa PNP para sa kanilang kampanya laban sa kriminalidad at droga.
Bahagi ng pahayag ni President Rodrigo Duterte
By Katrina Valle