Iniimbestigahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga sumbong na pang-aabuso umano sa mga discount card para sa mga persons with disability (PWD).
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez ilang restaurant owners ang dumulog sa kanila kaugnay sa anila’y talamak na maling paggamit ng PWD card.
Kasunod na rin ito ng social media post hinggil sa isang pamilya na nagpanggap na may kapansanan at humihingi ng diskuwento sa mga restaurant.
Sinabi ni Lopez na hindi dapat abusuhin ang nasabing pribilehiyo dahil maraming negosyo ang nahihirapan din ngayong panahon ng pandemic.