Nagpapakita umano ng patuloy na pangbu-bully ng China sa Pilipinas ang muling paglapag ng isang Chinese aircraft sa Davao City.
Ito ay ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na kumu-kwestiyon sa pangalawang pagkakataon na ginawa ito ng China.
Sinabi ni Castro na tila kwestiyonable na kung patuloy pa bang pinoprotektahan ng gobyerno ang soberanya ng bansa.
Giit ng mambabatas kung mananatiling walang kibo kaugnay sa naturang isyu ang Department of Foreign Affairs at si Pangulong Rodrigo Duterte ay dapat nang kumilos ang mamamayan dito.
Una rito nanindigan si Presidential Spokesman Harry Roque na hindi labag sa soberanya ng bansa ang paglapag ng isang Chinese military plane o kahit anong foreign aircraft
Magugunitang dalawang beses ng napaulat ang paglapag ng military aircraft ng China sa Davao City International Airport.