Nakatakdang magkita sa unang pagkakataon sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump sa gaganaping Asia Pacific Cooperation o APEC Summit sa Vietnam ngayong Linggo.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Leo Herrera Lim, sa isang welcome dinner na gaganapin sa Nobyembre 8 unang magkikita ang dalawang lider.
Matatandaang dalawang beses nang nagka-usap sa telepono sina Duterte at Trump, una ay noong Disyembre taong 2016 habang ang ikalawa ay noong nakaraang Abril lamang.
Maliban kay Trump, makikipagpulong din si Pangulong Duterte kina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin sa APEC Summit.
Nakatakda namang lumipad si Pangulong Duterte sa Vietnam sa Miyerkules para dumalo sa nasabing summit na nagsimula na ngayong araw.