Tumulak na si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Brunei para dumalo sa pagdiriwang ng Golden Jubilee ng pag-akyat sa trono ng kanilang sultan ngayong araw.
Ito’y bilang tugon ng Pangulo sa paanyaya sa kaniya ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah na itinuturing na isa sa mga maharlikang may pinakamahabang termino, pangalawa kay Queen Elizabeth II ng England.
Ilan sa mga magiging aktibidad ng Pangulo ngayong araw ang pagdalo sa royal banquet na inihanda ng Sultanate of Brunei, gayundin ang isang pulong na inihanda para sa kaniya ni Brunei Sultan Bolkiah.
Kasunod nito, inilabas ng pangulo ang Executive Order 897 na nagtatalaga kay Executive Secretary Salvador Medialdea bilang pansamantalang care taker ng pamahalaan habang wala ang Pangulo.
Inaasahang darating ang Pangulo dakong 1:00 ng madaling araw bukas mula Brunei at inaasahang didiretso ito sa Davao City International Airport.