Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagdayalogo sa mga lider ng Simbahang Katolika.
Ito ay sa harap ng patuloy na birada ng Pangulo sa mga pari.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas lalong bukas sa dayalogo ang Pangulo lalo’t kababayan ng punong ehekutibo ang kasalukuyang CBCP President na si Davao Archbishop Romulo Valles.
Kasabay nito, nilinaw ni Roque na ang mga banat ng Pangulo laban sa mga taong simbahan ay base sa personal nitong mga paniniwala ngunit hindi aniya ito nangangahulugan na hinihikayat ng Presidente ang pagpatay sa mga ito.
Tiniyak ni Roque na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang pigilan ang anumang uri ng karahasan.
Una rito, sinopla ng mga kritiko ang pamahalaan dahil sa umanoy kabiguaan ng pamahalaan na pigilan at masawata ang mga pagpatay sa mga pari.