Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na sumunod anuman ang maging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Taliwas ito sa kanyang mga naunang pahayag na papalagan ang magiging desisyon ng Korte Suprema kung tututulan nito ang ipinatupad na batas militar.
Sinabi ng Pangulo na susundin nya ang magiging ruling sa mga petisyon na tumututol sa martial law dahil sa Korte Suprema na ito manggagaling.
Sa kabila nito umaasa si Duterte na mai – konsidera ng SC o Supreme Court ang sitwasyon ng seguridad sa Marawi City na dahilan ng kanyang deklarasyon.
Nangako naman si Duterte na muling magbabalik sa normal ang sitwasyon sa bansa.
4 na kababaihan dumulog sa SC para tutulan ang umiiral na martial law
Dumulog sa Korte Suprema ang apat (4) na kababaihan mula sa Marawi City para ipawalang bisa ang umiiral na martial law sa Mindanao.
Kinilala ang mga petitioner na sina Norkaya Mohamad, Sittie Nur Dyhanna Mohamad, Noraisah Sani at Zahria Muti – Pandi.
Anila, hindi sapat ang naging batayan ng Pangulo para magdeklara ng martial law batay na rin sa naging ulat nito sa kongreso.
Hindi pa kinakailangan ang deklarasyon ng batas militar dahil kaya pa umanong resolbahin ang sitwasyon ng lokal na pamahalaan ng Marawi sa tulong ng mga sundalo.
By Rianne Briones