Hindi exempted si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatutupad na health and safety protocols sa mga polling precinct sa bansa.
Nabatid na nakatakdang bumoto ngayong araw si Pangulong Duterte at ang kaniyang anak na si vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City.
Sakaling makitaan ng symptoms, dadalhin ang pangulo sa isolation polling centers para doon bumoto.
Ayon kay Margarita Castillo ng Administration Office II ng Daniel R. Aguinaldo National High School, mayroong itinalagang mga PSG, doctors at nurses na magbabantay para sa mga magpopositibo sa COVID-19.
Samantala, inilatag narin ang security protocols para sa pagboto ng pangulo kung saan, may designated area narin na inilaan para sa mga mamamahayag upang hindi maabala ang mga botante sa eleksiyon.
Irerequire naman sa lahat ng posibleng magiging close contact ng pangulo na magpakita ng negative RT-PCR test para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa laban sa COVID-19.