Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang talumpati, ang panawagang tulong sa pagtugon sa usaping social protection at digital literacy ng bawat komunidad, sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Business Advisory Council.
Ayon kay Pangulong Duterte, marapat magtatag ng National Social Protection Floor (SPF), gayung ipinakita ng COVID-19 pandemic, ang limitasyon sa mga social protection program ng APEC communities.
Dagdag pa ni Duterte, dapat ding palakasin ng APEC economies ang kooperasyon sa Digital Infrastructure Development upang tumaas ang produktibidad sa ekonomiya ng mga marginalized group sa ilalim ng new normal.
Matatandaang kahapon nagsimula ang Economic Leader’s Meeting Video Telecon ng APEC na dinaluhan ng 21 mga bansa.
Layon ng pagtitipon na pabilisin ang economy recovery ng mga kabahaging bansa mula sa pandemya.—sa panulat ni Joana Luna