Personal na ininspeksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinsalang iniwan ni bagyong “Agaton” sa lalawigan ng Leyte.
Nagsagawa din ng aerial inspection ang punong ehekutibo sa Baybay City na una nang napaulat na marami ang nasawi dahil sa mga naganap na landslide.
Matapos nito, pinangunahan ni Pang. Duterte ang isang situational briefing kasama ang mga local chief executives ng Leyte at mga department heads ng ibat-ibang government agencies.
Base sa ibinigay na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo sa 137 ang mga binawian ng buhay, 28 ang patuloy paring pinaghahanap at walo ang nasaktan o nasugatan.
Ayon pa sa NDRRMC, aabot sa 1,689,436 na indibidwal o 494,607 pamilya ang naapektuhan ng bagyo na mula sa 2,068 na mga barangay ng Bicol, Davao, Soccsksargen, Caraga, Bangsamoro, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Northern Mindanao.