Mabuti na ang pakiramdam ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tiniyak ni Presidential spokesman Salvador Panelo makaraang hindi makadalo ang presidente sa isang event sa Davao del Sur.
Katunayan, sinabi ni Panelo na si Pangulong Duterte pa nga ang nanguna sa change of command ceremony para kay AFP Chief of staff Lt. Gen. Felimon Santos kahapon, gayundin sa retirement honors para naman kay outgoing AFP Chief of staff Lt. Gen. Noel Clement.
Matatandaang huling nakita sa publiko ang punong ehekutibo noong December 30, 2019.