Hindi magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa puwesto.
Ito ay kung hindi aniya kakayanin ng pamahalaan na masolusyunan ang problema sa iligal na droga.
Nanindigan ang Pangulo na napakalaking problema ang droga kaya’t nais niyang ibalik sa Philippine National Police o PNP ang war on drugs.
Sa ngayon, sinabi ng Pangulo na hindi pa niya napipirmahan ang Executive Order para ibalik ang PNP bilang lead agency sa kampanya kontra droga ng administrasyon.
—-