Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations (U.N) na patawan ng parusa ang mga bansang kabilang sa nagratipika sa kasunduan hinggil sa climate change pero bigong tuparin ito.
Sa kanyang naging talumpati sa dinaluhang event sa Sarangani, iginiit ng pangulo na hindi magtatagumapay ang climate change deal kung walang kaakibat na parusa.
Mabibigo lamang aniya ito at mas lalo pang magpapalala sa sitwasyon ng mundo para sa mga susunod na henerasyon.
Dagdag ni Pangulong Duterte, aksaya lamang sa pondo ang pagdalo sa taunang climate change conference ng U.N gayung wala naman aniya siyang nakikitang pag-usad para mapigilan ang paglala ng epekto ng climate change.
“I would not really also agree to something of a ratio and proportion with your economy and a hugeness of your… kaya pwede yang ganun eh. That you limit me to this because I would need more of mine. Kung ganun ang attitude ng Amerika has separated, medyo mahirap yan. Ako, I’m for climate change but the one thing that is not present, and therefore are very (…) it does not have sanctions,” ani Pangulong Duterte.