Sinopla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos kaugnay ng babala nito sa Pilipinas na huwag bumili ng submarino na galing ng Russia.
Sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng Hugpong ng Pagbabago, hinamon ng Pangulo ang Estados Unidos na isapubliko ang dahilan kung bakit pinipigilan nito ang Pilipinas na magkaroon ng submarino at hinahadlangan ang pag-unlad ng bansa.
Ayon sa Pangulo, Pilipinas lang ang walang submarino samantalang ang ibang karatig bansa aniya gaya ng Vietnam ay may dalawang submarino habang ang Malaysia ay may dalawa.
“You meet me any forum and I will invite everybody interested. You state your case why you are against my country acquiring submarines. Give me the reason why and make it in public, think about it. Why did you not stop the other countries in the Asia. Bakit kami pinipigilan ninyo? There is a newspaper in Bulletin (Manila Bulletin) you’re warning us, who are you to warn us?” Pahayag ni Duterte.
Samantala, ipinaalala ng Pangulo sa Estados Unidos na bumagsak na ang ilan sa anim na helicopter na ibinenta Amerika sa bansa.
“You sold us, used NATO helicopters. Before this, just like an American transaction nakikialam yung mga brokers ninyo. You sold us sick helicopters, one or two or three crashed already killing the last one, all the crew members. Is that the way how you treat an ally? And you want us to stay with you for all time.” Ani Duterte