Nanghihinayang si Pangulong Rodrigo Duterte sa salaping nagagamit para sa pakikipag-giyera ng pamahalaan laban sa teroristang grupong Maute sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, malaki sana ang maiipong pondo ng pamalahaan kung walang giyera sa Marawi City.
Aniya, sa halip na magamit ang pondo sa ibang proyekto tulad ng land reforms ay kailangan pang gastusin sa pakikipagdigma dahil hindi naman maaaring pabayaang tuluyang masakop at maangkin ng Maute terror group ang Marawi City.
Dagdag pa ng Pangulo bukod sa pondong ibinubuhos para sa mga sundalo at mga gamit pandigma sa Marawi City ay nandyan din ang problema ng pamahalaan sa komunistang grupong NPA o New People’s Army.