Nagpahiwatig ng pangamba si Pangulong Rodrigo Duterte sa proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program.
Sa ginanap na inagurasyon ng power plant sa Sarangani Province, sinabi ng pangulo na hindi niya kailangan ng puro na lamang ‘Build, Build, Build’ dahil ang mas gusto aniya ay ang “Build and Use” o ang agarang pagkumpleto sa mga infra project at agad na mapakinabangan ng mga Pilipino.
Giit ni Pangulong Duterte, magmumukha lamang kasi aniyang bilbil na nakalaylay ang mga proyekto ng gobyerno kung puro lamang ito ‘Build, Build, Build’ at hindi naman natatapos.
Bunsod nito, tahimik naman ang Department of Transportation o DOT at ang Department of Public Works and Highways o DPWH hinggil sa pahayag na ito ng punong ehekutibo.
Samantala, sinopla naman ni Pangulong Duterte ang sinabi kamakailan ni Senator Franklin Drilon na bigo umano ang infra projects ng administrasyon.
Bwelta ng pangulo, mali at tila bulag si Drilon sa mga nagawa o naging accomplishments ng kasalukuyang administrasyon.