Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na pagkakalooban ng bagong baril ang mga sundalo sa susunod na taon.
Sa pagharap ng Pangulo sa mga sundalo noong Biyernes sa Sultan Kudarat, sinabi nitong nasa proseso na ang pagbili ng pamahalaan ng kalibre 45 na baril para sa mga sundalo.
Ngunit naglatag ng isang kondisyon ang Pangulo sa mga sundalo kapalit ng ipagkakaloob na baril.
“Bibigyan ko kayo lahat ng kondisyon, ‘wag ninyo ibigay ito sa kalaban, buhay kailangan, mahal masyado eh, lalo na Western side. Ibigay mo, putulan ka rin ng ulo, bakit ka mag-surrender”, ani Pangulong Duterte.
Pagtanggi sa alok ng Moro sa paglaban sa Maute ipinaliwanag ng Pangulo
Ipinaliwanag ng Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi nya itinuloy ang planong pagkuha sa serbisyo ng MILF o Moro Islamic Liberation Front at MNLF o Moro National Liberation Front para sumabak laban sa Maute Group.
Ayon sa Pangulo, hindi akma sa sitwasyon na isama pa ang mga Moro fighters sa laban ng mga sundalo sa Marawi City.
Nakakatakot aniya sa halip na sa kalaban iputok ang baril ay ang mga sundalo at Moro ang syang magbarilan.
“Baka lahat ng tama ng sundalo ko sa likod, wala na sa harap. It’s not because I do not trust them, it’s simply does not fit”, paliwanag ni Pangulong Duterte.
By Rianne Briones