No show si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pope’s Day Celebration sa Apostolic Nunciature sa Malate, Maynila kahapon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpadala na lamang ng kinatawan ang Pangulo sa naturang okasyon.
Maliban kay Roque, naatasan na magtungo sa Pope’s Day sina DFA Undersecretary Ernesto Abella at Pastor Boy Saycon na mga miyembro ng binuong lupo na nakikipagdayalogo sa taga-simbahang Katolika.
Matatandaang kahapon ay nagtungo si Pangulong Duterte sa burol ng mga nasawing pulis sa “misencounter” sa Sta. Rita Samar at matapos ay nagtungo naman ito sa Tacloban City para sa Sangyaw Festival of Lights.