Pina re-review ni Pangulong Rodrigo Duterte ang concession agreement sa pagitan ng gobyerno at beep card provider sa AF Payment Incorporated kasunod ng pagtataas ng halaga ng issuance fee ng beep card.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais ng Pangulo na walang probisyon sa naturang kasunduan ang hindi sa kapakinabangan ng publiko.
Una nang ipinag utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pag re-review sa kontrata.
Matatandaang mula sa P20 at naging P30 na ang halaga ng beep card sa pagpasok ng 2020.