Bagamat hindi pa pormal na nauupo bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government o DILG, nagbigay na ng direktiba si Pangulong Duterte kay Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff General Eduardo Año.
Pinatitiyak ng Pangulo kay Año bilang incoming DILG Secretary na hindi mapunta sa kamay ng mga kalaban ang armas ng pamahalaan.
Oktubre pa ang dapat sana’y retirement ni Año bilang AFP Chief ngunit dahil sa bagong appointment dito ng Pangulo ay magreretiro na ito sa darating na Hunyo.
Papalitan ni Año sa DILG si dating Secretary Mike Sueno na sinibak dahil sa umano’y pagkakasangkot sa katiwalian.
By Ralph Obina