Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na huwag dumalo sa Executive Session na ipatatawag ng Senado hinggil sa isyu ng Frigate Project ng Philippine Navy.
Ayon sa Pangulo, mas nanaisin niyang paharapin si Go sa isang ipublic hearing upang maipaliwanag ang kanyang sarili laban sa mga alegasyon nang umano’y panghihimasok nya sa naturang deal.
Pahayag ng punong ehekutibo, malaki ang kanyang paniniwala na mapapahiya ang mga nag-aakusa kay Go dahil maisasampal nito sa kanyang mga kritiko ang buong katotohanan.
Bunsod nito, inihayag naman ng Pangulo na hanggang sa ngayon, wala paring order of delivery ang nanalong bidder sa Frigate deal dahil sa hidwaang namamagitan kina Philippine Navy Chief Joseph Mercado at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Matatandaang dati nang sinabi ng Pangulo na naaprubahan ang proyekto sa panahon ni dating Defense Sec. Voltaire Gazmin sa ilalim ng Aquino Administration.
Posted by: Robert Eugenio