Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbisita sa mga biktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Sa kanyang arrival speech mula India, sinabi ng Pangulo magpapahinga lang muna siya ng ilang araw saka siya magpapasya kung kailan itatakda ang kanyang pagdalaw.
Sinabi ng Pangulo walang problema sa kanya basta’t may ligtas na malalapagan ang eroplanong kanyang sasakyan.
Samantala, nilinaw naman ng Pangulo na hindi nagkulang ang national government sa ayudang hinihingi ng pamahalaang panlalawigan ng Albay dahil sa agad aniya niyang ipinag-utos ang pagpapadala ng tulong para rito.
Una rito nagpahayag ng pagkadismaya si Albay Governor Al Francis Bichara sa aniya’y mabagal na pagbibigay ng pangakong tulong ng national government sa kanilang lalawigan.
—-