Lima na ang plunder case na kinakaharap ni Vice President Jejomar Binay sa Office of the Ombudsman.
Ang ika-limang plunder case laban kay Binay sa di umano’y maanomalyang pagbebenta ng lupa ng Boy Scout of the Philippines (BSP) sa Alphaland Corporation.
Batay sa reklamong inihain ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, nagsabwatan di umano si Binay at 15 miyembro ng BSP National Executive Board upang ibenta sa mababang halaga ang lupain ng BSP sa Alphaland.
Ito ay ang isang ektaryang lupain sa kanto ng Ayala Avenue Extension at Malugay Street sa Makati City na donasyon ng BF Goodrich Philippines sa BSP noong 1976.
Ayon sa reklamo ni Mercado, mismong si Alphaland President Mario Oreta ang umamin sa hearing ng senado nasa 3 bilyong piso ang halaga ng lupa ng BSP.
Gayunman, ibinenta di umano ito nina Binay sa halagang P600 milyong piso na hanggang ngayon ay hindi pa napapasakamay ng BSP.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)