Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Binigyang pagkilala ng Pangulo ang lahat ng mga Pilipinong nagpakita ng katapangan at kagitingan sa pakikibaka at sakripisyo para sa bayan.
Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga nasa sektor ng agrikultura at kalusugan, gayundin ang mga manggagawang Pilipino, mga guro, mga OFW, mga pulis, sundalo at iba pang mga sektor.
Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na taglay ng bawat Pilipino ang pagiging bayani na maaaring ipagmalaki at magsilbing inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)