Nakipagpulong si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa agriculture group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), kasabay ng ika-4 na Cabinet meeting.
Sa pulong na ito, tinalakay ni Pang. Marcos ang posibilidad na mapataas ang produksyon ng mga local agricultural goods at mapababa ang presyo ng mga produktong pang-agrikultura.
Sinabi naman ni Rosendo So ng grupong SINAG, kinakailangang matutukan ang higit na pagpaparami ng mga local products at bigyan ng abot kayang halaga ng mga bilihin ang mga consumer.
Inihayag pa ni So, na sana’y matulungan sila na makapag-produce ng mas mabibigat at mas malalaking baboy na aabot sa 120 hanggang 130kilos nang sa gayu’y mapataas ang hog local production at mapababa ang presyo nito sa mga pamilihan.
Samantala nag-stabilize naman aniya sa P38 ang kada kilo ng bigas makaraang pumalo na lamang sa P33 per kilo ang singil ng mga miller at P35 naman para sa delivery.