Kinondena ng Malacañang ang panawagang pag-aaklas ni dating pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos jr.
Tinawag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na “garapalang panawagan” Ang naging pahayag ng dating pangulo sa Armed Forces of the Philippines na maglunsad ng kudeta laban kay PBBM.
Iginiit pa ng kalihim na hindi katanggap-tanggap ang marahas na pang-aagaw ng kapangyarihan upang madaling maluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng pagpaslang, panggugulo at pag-aalsa.
Hindi naman aniya magpapatinag ang kasalukuyang administrasyon sa sinumpaan nitong tungkulin na pagsilbihan ang mga Pilipino, nang naaayon sa saligang batas at sa prinsipyo ng rule of law.
Nanawagan naman si Executive Secretary Bersamin sa mga duterte na maghintay ng tamang panahon at sumunod sa wastong proseso. – Sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)