Umaasa ang Department of Energy (DOE) na tutuparin ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang pangankong dagdagan ang produksyon ng langis.
Ito’y ayon kay Energy Assistant Secretary Gerardo Erguiza ay bilang tugon ng OPEC sa pangangailangan ng mundo sa supply ng langis sa gitna na rin ng bakbakan ng Russia at Ukraine.
Sinabi sa DWIZ ni Erguiza na hindi natuloy nuong Oktubre ang unang plinanong dagdag na produksyon ng langis ng OPEC.
Gayunman, nilinaw ni Erguiza na hindi lamang suppy ang problema sa isyu ng langis kundi nagkaruon din ng problema sa mismong refineries.