Pinagtibay pa ni North Korean Leader Kim Jong Un ang kanyang pangakong complete denuclearization ng Korean Peninsula at pagpapatuloy ng kanyang pakikipagpulong kay U.S. President Donald Trump.
Ayon kay South Korean President Moon Jae-In, tiniyak ito sa kanya ni Kim sa kanilang sorpresang pulong.
Nagkasundo aniya sila ni Kim na dapat maging matagumpay ang North Korea-U.S. Summit na inaasahang magaganap sa Hunyo 12.
—-