Binabantayan ng CHR o Commission on Human Rights kung tutuparin ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibibigay ang hustisya sa pamilya nang pinaslang na 17 anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
Kasunod na rin ito nang papuri ng CHR sa Pangulo na nangakong mapaparusahan ang mga pulis na pumatay sa nasabing Grade 11 student.
Sinabi ng CHR na wini welcome nila ang commitment ng Pangulo na panagutin ang mga pulis na pumatay kay Kian.
Tiwala anitong ang nangyari kay Kian ay tatapos sa nakasanayang summary killings at magbabalik ng respeto sa gobyerno sa kampanya nito kontra iligal na droga.
By: Judith Larino
SMW: RPE