Inihayag ng IBON Foundation na halos 90% o 8 sa 10 Pilipino ang mayroong kalahating milyong piso na pag-aari sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni IBON Foundation, Executive Director Sonny Africa na kahit pa mabayaran ng gobyerno ang utang ng Pilipinas sa ibang bansa ay hindi pa rin ito sapat dahil wala umanong matitirang pondo para sa pagkain.
Umaasa si Africa na mapapanindigan ng bagong administrasyon ang kanilang mga pangako na bababa ang presyo ng mga bilihin maging ang pagbabayad ng buwis at masolusyonan ang mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa.
Ayon kay Africa, nakakalungkot isipin na ang mga ordinaryong Pilipino ang gumagapang sa kahirapan kumpara sa mga Pilipinong may daan-daang bilyong piso ang kinikita katulad nalang nina dating Senador Manny Villar at magkakapatid na Sy.
Iginiit ni Africa na hindi naman ginusto ng bawat isa na magkaroon ng pandemiya at mapilitang gumastos ang gobyerno laban sa COVID-19 maging ang girian sa pagitan ng Russia at Ukraine dahilan ng mataas na presyo ng langis at pagkain.