Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang epekto sa kaniya ang mga aniya’y basurang ipinupukol laban sa kaniya tulad ng isyu ng EJK o extrajudicial killings sa ilalim ng kampaniya kontra droga ng kaniyang administrasyon.
Sa kaniyang talumpati sa lungsod ng Maynila kahapon, sinabi ng Pangulo na hindi pa rin naman nagbabago ang tiwala at suporta sa kaniya ng publiko maging totoo man o hindi ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Muling binigyang diin ng Pangulo ang napakaraming problemang kinahaharap ng bansa partikular na sa iligal na droga kung saan, libu-libo aniya ang nasasawi, karamihan na ang mga kabataan.
Inamin din ng Pangulo na nagkamali siya nang ipangakong susupilin ang droga, krimen at katiwalian sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan makaraang tumambad sa kaniya ang laki at lawak ng mga nabanggit na problema.
SMW: RPE