Aabot na sa mahigit 2 Bilyong Piso ang naipangakong tulong pinansyal ng iba’t ibang bansa para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenza kasabay ng pag-amining kakapusin ang 50 Bilyong Piso pondo para sa rehabilitasyon ng nasabing lungsod.
Ayon kay Lorenzana, nangako na ang Australia ng Isang Bilyong Pisong ayuda habang inihayag na ng Estados Unidos ang pangakong 730 Milyong Piso tulong para sa Marawi City Rehabilitation.
Gayundin, aniya nangako na ang Japan at Thailand na magbibigay ng tig-100 Milyong Piso habang 11 Milyong Piso naman mula sa China.
SMW: RPE